Salamat pala kahapon.
Salamat sa maluwang na mga highway, di kasi gumagalaw ang trapik.
Salamat bumagal ng konti ang ekonimiya at na delay ang mga deliveries.
Salamat at walang mga bus, walang masakyan ang mga kapwa kong Pilipino.
Salamat at naglakad ang mga kapwa kong empleyado na kelangan ng umuwi para sa may sakit nilang magulang;
Sa mga anak na hinihintay ang mga magulang kasi hindi pa nakapaghapunan.
Salamat sa mahusay na araw na yun, salamat naramdaman namin ang dami niyo.
Paumanhin narin at kulang ang aming pang-unawa sa inyo.
Pumanhin at hindi mahaba ang aming pasensya sa inyong pagsamba.
Paumanhin sa inyo, nakakahiya naman.
Paumanhin, dahil kapwa tayo Pilipino, nakalimutan namin ang diwa ng pagbibigayan sa kapwa.
Mahusay! Napakagandang Ehemplo sa mga kabataan.
No comments:
Post a Comment